Wednesday, May 2, 2007

Flowers in Desert...

May or Mayo ang pang limang buwan sa taon nang gregorya at alam nang karamihan ay ang buwan nang mga Pyestahan, Santacruzan at Flores De Mayo... Dito sa gitnang silangan ay wala akong alam na okasyon o ano mang pagdiriwang na ginaganap tuwing Mayo, (Eh ano pa nga ba naman ang buhay dito no! Asa ka pa!) hindi tulad sa atin na masaya at halos lingo-lingo ay may kasayahan sa Plaza, at lalo na kapag Santacruzan ang usapan... May mga galing pa sa iba’t-ibang lalawigan upang sumagala at mag eskorte.

Samantala bago mapunta sa mga bulaklak nang Reyna Elena at Reyna Emperatriz... ibang bulaklak muna ang Ibabahagi ko, tutal ay napapanahon naman kaya mamumulak-lak po muna ang aking blog.



Isama ko narin po itong nag-iisang insekto na napagtripan namin... Hindi ko inakalang makakagawa ako nang ganitong kuha... At dahil sa resulta nang isang kuha na ito ay lalo akong nagkainterisadong magkukuha nang MACRO...

Ngayong nalalapit na ang aking pag-uwi, tiyak na mapapalaban ako at ang aking camera... mas maraming subject at mas malaya akong makakuha nang kahit ano... Lalo na sa aking mga chikiting at sa kapiyestahan ni San Isidro Labrador, Pulilan, Bulacan... Sana makapunta si master sa amin, at si kneeko naman ay tiyak na malabong makapunta, sa kadahilanang sya ay abala kaka-awit sa France. Good luck sa inyo Pre! Sana sa mga susunod ninyong paglalakbay ay makasama na ako...

PAALALA! huwag kalimutan ang pasalubong namin...

6 comments:

Astig ah! Ganda ng mga pics ng flowers, Matt! :) Pati yung tutubi hehe

Goodluck at mapapalaban ka pala at ang camera mo pag-uwi. Taga-Bulacan ka rin pala. Ako naman sa Bustos :)

ang bango bango
ang bango bango
ng bulaklak, pero parang
plastik sila ah

at may tutubi pa
allergic si daga jan
di bah sasha? heheh

sayang, kung di lang ako umuwi last Sept ngayong Mayo din sana para naman
FOOL-support ako kay Ninong sa kampanya :(
sarap pa naman ngayon, dami talagang fiesta

aba aba me bisita ka dito ah.. 2 makukulit hehehe...

pero dre ganda ng shots...

wala pasalubong hehehe

isa pang nakikigulo dyan sa mga nasa taas hahah...

by the way high way ako pala yung insan ni kneekolits! bwahahah...

naamoy ko rin ang mga bulaklak sa hardin mo. kaya lang bakit nilalangaw hehehe... joke lan po baka masipa ako. sige eskapo na ako.

salamat sa dalaw sa lungga ko balik ka ulit ha kasi i link kita.

@ sasha : Thanks po for appreciating my work… So Bulakenya ka rin po pala… for sure Loving, Caring & Sweet ka rin po… Yap! Maprapractice po ako lalo kaya kinakailangan na nang back-up batteries… Gastos na naman! Whew!

@ racky : Aha! Ikaw po pala yung nawawalang member nang Hot Babes! Hehehehe… Nakakapanghinayang po ba at napauwi ka last Sept!? Well, okies lang po yun wish nalang manalo si Ninong mo… But! It’s our turn naman po para makapag enjoy…. Yeppeeee…

@ kneeko : Salamat Pre… Sa wakas! Makakatikim na naman tayo nang Crispy Pata, Sinigang na Baboy, Inihaw na Liempo, Chicharong Bulaklak and of course… Hehehehehe…. Isang malamig na San Miguel Beer… Burp!

@ mousey : Your welcome po anytime… wala naman po akong kinalat na Dora Rat Killer eh… Kaya po safe na safe kayo ni mouse trap este kneeko here sa den ko… Medyo pagpapasenyahan nyo nalang po, kasi mali-mali po grammar …

Visit us at the moment to grasp more information and facts in the matter of Come to see us contemporary to come by more information and facts regarding [url=http://www.polandlimoservice.com]przewóz osób warszawa[/url]

Related Posts