Friday, May 18, 2007

On my way home...

It's been 8 days since I arrived here sa Pinas! Whheeww! Grabeh ang init! Kung sa Gitnang Silangan ay mainit, ngunit hindi gaya dito na kakaiba ang init! Nakakairita at malagkit sa balat! Pero, iba parin kapag nandito ka sa sarili mong Bayan... Malaya kang nakakagalaw at magastos! Hahahaha... Kaya ito ako ngayon pahinga muna at medyo paubos na ang budget... Nagbayad po kasi nang tuition fee nang mga chikiting at kinapos pa kaya dag-dag na naman sa listahan...

Anyway, magbalik tanaw po muna tayo sa araw na akoy pauwi... Syempre excited at may halong kagalakan ang aking nararamdaman sa aking pagbalik, kahit na nakakpagod ang biyahe... Nakakapadod dahil sa schedule nang aking flight... Bahrain to Hong Kong, Hong Kong to Manila... Noong una ay nag bus kami papuntang Bahrain at inabot kami nang halos kulang-kulang 3 hours papuntang Bahrain Airport... Then pagdating namin sa airport ay delay pa ang flight nang 1 hour... so what to do yani!? wait-wait-wait! Then when the plane arrived unahan agad sa gate para makapasok na... So while the utility crue are cleaning the plane isa-isa na rin kaming pinapapasok... then ito pa! ang flight pala namin is babalik pala nang Saudi! Destination is Riyadh! Haayyyy... so back to Kingdom kami... and wait for another hour... eh ang sikip pa sa pwesto ko and nandon pa ako mismo beside the window... kaya while stop over in Riyadh... gamit na ako nang C.R. 'coz pag balik ko for sure doon na ako ulit sa Hong Kong makakapag C.R. Buti nalang at okay lang magsho-shoot, kaya yun nalang ang pinagkaabalahan ko...

So after an hour, ready to fly na kami... back to seat na ang lahat and fastened seat belt na ako, kuha parin ako nang kuha hanggang sitahin ako nang isa sa flight attendant... Kaya kunwari, off na yung camera... eh medyo pasaway din minsan kaya on ulit then shot-shot-shot! Natigilan ko lang noong siniserve na nila ang dinner namin... then, after I ate my dinner when the attendant took my plates may pinamimigay silang catalogue and medyo natawa ako kasi I didn't expect na yung gustong-gusto kong mapanood na ang balak ko pa nga eh bumili nang DVD copy ay sya palang ipapalabas... Music & Lyrics, kaya 3 times ko syang inulit panoorin kahit na nakakatulugan ko na... So now, I've seen that movie, nawalan na tuloy ako nang interes na bumili pa nang copy... Eh, 3 times ko ba namang panoorin... bibili pa ba ako noon!?

Ok let's continue... So we arrive in Hong Kong late... delay nang 30 minutes so I don't have enough time para maglibot... kaya pila na ako agad kasi transfer kami nang plane... medyo iilan nga lang sa mga chinese ang nakakaintindi at marunong mag english... hirap magtanong sa kanila... kaya no choice talaga ako kung hindi bumalik nalang sa pila at baka maligaw pa ako at lalong ma delay ang paguwi ko... then pag dating naman dito sa Pinas... Hayyyy... sobrang accomodating nang mga Filipino! (KUNO) sa Duty Free palang habang pumipili ka ask sila nang ask then later pag dating sa cashier... may mataray mayroon namang bolera... at ang experience ko, nakalimutan pa nang cashier yung liqour na pinili ko... so balik ulit me sa cashier para bayaran... then, palabas nang airport... Si Ate hiningi yung ticket ko para sa baggage claim... check nya kung yung sticker is same number na nasa ticket ko... then after she checked and approved... Sabihan ba naman ako na "Sige pwede ka na umalis laya ka na!" Wow! Shock ako! Kaya nasagot ko agad sya na Salamat Warden! and nasabi ko sa sarili ko na... Nasa Pilipinas na nga talaga ako!














And there are those photo... Master later I will post those carabao's... but first yung mga flowers daw muna ni Mother... Just one at a time... Tonight I will do it... sana walang bisita at nang hindi mapurnada... Malaya, next time nalang din po yung sitsaron... gusto mo pati sitsaron bulaklak... Mmmmmm... Rapsa!

2 comments:

Matt! Abah! Kasaya namang pagbabalik tanaw nyan! Ganda ng daan, super lawak at walang trapik! Hehehe

Hahahah... Di ka adik sa Music & Lyrics ah! Ganda ng theme song ng movie ano? :D

Ingats!

Btw, may bago na akong site... pa-link kung pwede :)

Thanks for the comments.. I've just finish added your new site... Nice ha! Buti ka pa hindi nauubusan nang kwento...

Yap! I like the theme song of Music & Lyrics...

You take care too...

Related Posts