Monday, May 7, 2007

2 Days to go...

Haaayyy... excited na akong makapagbakasyon ulit! I have 2 days left and makapagbabakasyon na naman at malalasap ko na naman ang simoy nang Pilipinas. Yeepeee... Sa dami nang mga napagkasunduang lakad sa tingin ko ay iilan lamang dito ang maiisakatuparan... Sana sa loob nang three weeks kong bakasyon at kakapiranggot kong budget ay maisagawa sana ang mga balakin namin at matugunan ang mga kompormisong napagusapan.

Pero bago ang lahat, syempre uunahin ko muna ay ang kaarawan nang mga chikiting... Sa katunayan nga ay kaarawan ngayon noong aming pangalawang supling na si Baste at ang susunod naman ay ang kaarawan ni Lean sa 14 May, na natatapat din sa fiesta ni San Isidro Labrador... Kaya sabay-sabay na ang handaan para medyo makatipid... Inimbitahan ko si master at ang kanyang mga ka-liga at sana ay makapunta sila nang maaga upang makaiwas sa traffic at masaksihan din nila ang mga nagluluhurang kalabaw.

Pero teka-teka, anong oras na at tila yata hindi ko pa nakikita ni anino nang aking magiging kapalit... Hmmm, mukhang umurong na yata at ayaw nang pumwesto dito... Huwag naman po sana... baka maudlot pa ang pag-uwi ko ha! Tawagan ko muna ang Procurement at nang matanong kung anong nanyari!? Para maasikaso na agad ang dapat asikasuhin... Inshallah walang problema... Haaayyy...


Continuation! (Nang malaman ko ang tugon)

Imbyerbna ang Lolo! hindi dumating ang aking magiging kapalit ko dito kung kaya at aking tinawagan ang mga taga Procurement... Aba! at ayaw sagutin ang aking mag tawag... Pinatawagan ko sa mga tropa at ilang ring lang ay sinagot agad! Ano ang ibig sabihin noon!? Ayaw talagang sagutin ang aking tawag or talagang wala sya sa kanyang desk at na tiyempuhan lang nang tawagan sya ni Bien! Anyway, okay lang yun basta ang gusto ko lang malaman ay kung ano na ang nanyari sa aking magiging kapalit, kaya in-e-mail ko nalang at doon siguro sa e-mail ko eh medyo natauhan ang Lolo! kung kaya't tawag agad siya sa akin pagkabasa nya nang e-mail at sabay hingi nang paunmanhin... Okay! Forgiven ang Lolo... Now tinanong ko kung bakit wala ang kapalit ko at ang sabi ay hindi daw nya alam... kaya't pinatawagan ko sa kanya ang coordinator na nag-supply para alamin kung ano ang nanyari... sa kasamaang palad at sa di inaasahang panyayari... Biglaan daw uuwi nang Pilipinas sa kadahilanang yumao daw ang pinakamamahal na asawa... Noong una ay medyo naniwala ako, pero napagtanto ko na bakit hindi man lamang ipinagbigay alam kaagad dito sa amin nang kanyang coordinator ang nanyari upang hindi kami naghihintay at umaasa na papasok sya... Kung hindi pa tinawagan ay hindi pa namin malalaman ang sitwasyon... Kaya naisip ko na maaring isang palusot lamang ito ni Kabayan at wala na syang maidahilan kung kaya't kinakailangang mag rason sya... Pero kung totoo naman ang kanyang dahilan... akoy nakikiramay sa kanya, subalit kung ito'y pawang kasinungalingan lamang... sana ay wag naman magkatoto sa kanyang asawa...

9 comments:

lapit na pala uwi mo! ingat pare koy. kitakits na lang..

ay pasalubong ko heheh... chitcharon

happy trip!

Matt, sa'n ba ang iyong probinsiya, Lucban, Quezon?
Anyway happy trip at happy birthday na rin sa iyong mga tsikiting.

This comment has been removed by the author.

@ master : Yap Bro! isang ututan nalang ito mamayang gabi at malamang hindi na naman ako makakatulog nang maayos! Punta kayo sa May 14...

@ mousey : Ano po ba gusto mong pasalubong? Pwede na po ba ang Arabic Cheese? Joke! Hehehehehe...

@ Malaya : Doon po kami sa Province of Sweets and Sour and Fishy... Hehehehe... Bulacan po, Sweets, ‘Coz of Pastillas, Yema, etc. Sour, ‘Coz of Sukang Paombong and Fishy, ‘Coz of Fisheries and other sea foods...

aba malapit lang pala, masarap chicharon dyan. hehehe.

Wow naman excited sobra! Ingat sa byahe! :)

uy, gute reise!

pasalubong namin ha!

delikado pa lang mapadpad ako sa inyo ... Province of Sweets and Sour and Fishy! heheh

uyy kainggit... have a safe trip and enjoy :)

Related Posts