May or Mayo ang pang limang buwan sa taon nang gregorya at alam nang karamihan ay ang buwan nang mga Pyestahan, Santacruzan at Flores De Mayo... Dito sa gitnang silangan ay wala akong alam na okasyon o ano mang pagdiriwang na ginaganap tuwing Mayo, (Eh ano pa nga ba naman ang buhay dito no! Asa ka pa!) hindi tulad sa atin na masaya at halos lingo-lingo ay may kasayahan sa Plaza, at lalo na kapag Santacruzan ang usapan... May mga galing pa sa iba’t-ibang lalawigan upang sumagala at mag eskorte.
Samantala bago mapunta sa mga bulaklak nang Reyna Elena at Reyna Emperatriz... ibang bulaklak muna ang Ibabahagi ko, tutal ay napapanahon naman kaya mamumulak-lak po muna ang aking blog.
Isama ko narin po itong nag-iisang insekto na napagtripan namin... Hindi ko inakalang makakagawa ako nang ganitong kuha... At dahil sa resulta nang isang kuha na ito ay lalo akong nagkainterisadong magkukuha nang MACRO...

Ngayong nalalapit na ang aking pag-uwi, tiyak na mapapalaban ako at ang aking camera... mas maraming subject at mas malaya akong makakuha nang kahit ano... Lalo na sa aking mga chikiting at sa kapiyestahan ni San Isidro Labrador, Pulilan, Bulacan... Sana makapunta si master sa amin, at si kneeko naman ay tiyak na malabong makapunta, sa kadahilanang sya ay abala kaka-awit sa France. Good luck sa inyo Pre! Sana sa mga susunod ninyong paglalakbay ay makasama na ako...
PAALALA! huwag kalimutan ang pasalubong namin...