Saturday, March 24, 2007

Update...

Medyo matagal-tagal ko rin hindi na update ang aking blog. Sa kadahilanang nais kong mapaganda at malagyan nang isang presentableng pahina na kung saan pwede kong ilagay ang aking mga larawang nakuhanan upang ang mga ito ay maibahagi sa inyo. (Tagalog na tagalog ba!?) Sa kakahanap nang mga sites dumami na nang dumami ang aking blog ngunit pare-pareho lamang ang mga nakasaad. Hindi kasi ako mapakali hanggang hindi ko nagustuhan... Isa pang problema ay ang pagloloko nang aking computer... Bumalik na naman kasi ang kanyang sakit na basta-basta nalang magre-restart... Ipinasuri ko na nga siya ngunit pansamantalang gamitan lamang at nanumbalik na naman ang kanyang kalokohan... at sa ngayon, totally ayaw na nyang magboot, sa tingin ko ay tinamaan na naman ang O.S. kung kaya’t kinakailangan na namang i-format at mawawala na naman ang aking mga shots na hindi ko na back-up... Nakapanghihinayang, Hindi ko man lamang na back-up, kaya simula ngayon, Pagkatandaan! ang lahat nang mga proyekto ay dapat na laging may kopyang nakatabi...

Ito nga pala ang isang blog na napili kong lipatan... ( www.newspy23.i.ph ) Nagustuhan ko ang estilo nang paunang pahina at ang aking hinahanap na karagdagang presentasyon nang mga larawan... Ang hindi ko lang nagustuhan dito ay ang pag-lakip nang larawan sa aking sinasaad. Nikakailangan pa kasing baguhin ang sukat nang bawat isa lalo na kung napalaki ang larawan, hindi kahintulad sa ibang blog na pag-upload mo ay automatic nang maayos ang sukat, at medyo may kabagalan ang pag-open nang site.

Master, baka meron kang suhesyon at alam na pwede kong lipatan nang blog ko... payo naman dyan... alam kong malawak ang iyong kaalaman pag dating sa larangan nang ganitong bagay-bagay...
Pahabol! Isama ko na rito ang mga naiwang larawang na dapat ay noon ko pa nagawa...







Ilalagay ko na rin ito sa aking bagong blog... Parang pinahihirapan ko lalo ang sarili ko, kasi kinakailangang pati yung isa ay ma-update ko din... Baka kaya mayari ako nang pulis dito sa I.T. namin... Hehehehehe...

0 comments:

Related Posts