The 5th Heritage Festival
At last! Another mission accomplished... Napatunayan na naman ang kasabihan sa atin na "Kapag may Tiyaga, May Nilaga" Hehehehe... If there is will, there's a way nga naman talaga, Kasi nga naman, kahit na nagloloko ang aking P.C. at medyo po busy dito sa work, naisisingit ko parin na kahit paunti-unti, ay na gawa kong ayusin at lagyan nang borloloy ang mga shots ko sa ginanap na Heritage Festival Exibit here in Al-Fanateer Conventioan Hall, Jubail, K.S.A.
It took almost a month para piliin at ayusin ang mga shots na ito upang aking maibahagi at pagmalaki narin na nagkakaroon na nang improvement ang aking mga shots... Masayang libangan at pag-aralan talaga ang potograpiya at sa tingin ko ay mahaba-haba parin ang aking babay-bayin upang ma-arok at makamit ang talagang tagumpay... Para mapagkakitaan narin! Hehehehe... Kaya sa ngayon, ito po ang ilan sa aking mga obra (Kuno)...
Slamat nga pala kay Ginoong Neil Inf. Ortega na nagtiyagang samahan ako upang maisagawa ang mga kuha kong ito... Kahit na hindi na sya mangiti sa inip at gutom na dinanas namin... Hehehehe! Ginoong Neil, wag pong madadala ha!? Sa susunod food preparation naman ang hanapin natin para busog tayo while taking shots...
3 comments:
April 22, 2007 at 4:50 PM
patok talaga yung mga close-up shots mo matt! i like the model boat shot.
April 23, 2007 at 7:35 AM
Thanks Master... nakatsamba gamit ko yung zoom lens na sigma...
April 24, 2007 at 9:22 AM
pagkakakitaan na mga shots mo ah... para pambili ng mga gamit hehe
Post a Comment