Tuesday, March 6, 2007

Ang Pagtitipon...

As per request by Donald "Diego" Salviejo... I-post ko na raw ang practice shoot ko noong datnan namin silang nagkakasiyahan sa aming building... Kaya habang iniispin ng BEAC ang aking mga labahin, isinabay ko ang pag-gawa ng post na ito para ma-ibahagi kay Master.

Pagkagaling namin sa Khobar noong araw na inampon ko ang Rebel 400D, amin nang dinatnan ang mga Diego na nagkakasiyahan... kung kaya't nabinyagan ang aking bagong SLR Camera noon ding gabing yun... Buti nalang at mahaba-haba pa ang charge nang battery at naibigay ang kagustuhan nilang makita at masubukan ang kakayahan nang camera...

Patnubay nang magulang ay kinakailangan sa mga litratong masisilayan...


MGA GWAPUHONG
(L-R) Romel, Ariel, Renz, Tirso, Donald
Carlo at syempre ang inyong lingkod...

Tila yata mapula ang kutis ni Diego dito...

May nag text yata kay Romel, (si Fafa ba yan!?) At ang Tirso panay higop sa kanyang Juice...

Aba! Ang Bida... (What's Up!?)


"Banatan mo BIDA!"
Ika nga ni Kabise na nagagalak dahil sa naganap na pagtitipon...

Pagkalipas nang ilang oras ay isa-isa nang nawala ang mga Gwapuhong... Ang bida ay umakyat at dumiretso sa aking silid, siguro nag-tiyat o kaya sinamantala na naman ang sarili... Si Bien ay diretso narin sa kanyang silid... Si Kabise, nakatulog naman ay doon na nakatulog sa kanilang sofa, Si Amboy patatas naman ay ginawang unan ni Romel at si Diego ay nabuhay at kumanta buong magdamag... Sayang at wala si Kneeko, medyo kasi abala sa kanilang campaign ng Yabang Pinoy na ginanap sa Khobar noon ding gabing yaon...

2 comments:

aba! ang saya-saya!

langya! si romel pa rin ang pinakamaputi, dre lagyan mo ng flash para pumuti naman yung ibang tropa!

hehehehe!

dre tama si master... si diego hindi naman namumula ah ano na eh hehhe.. ang bida parang anino hehehe ooopssss

nilasing nyo na naman si deks sa juice ah :)

Related Posts